What's Now

Mahal na Birhen ng Peñafrancia,..

Mahal na Birhen ng Peñafrancia, sa oras ng unos at delubyo, kami’y humihiling ng iyong kalinga. Sa iyong mapagpalang yakap, nawa’y maranasan namin ang kaligtasan at kapayapaan. Patatagin mo po ang aming pananampalataya, at gabayan mo ang bawat isa sa oras ng pangangailangan.
Aming Ina, ipanalangin mo kami, upang sa kabila ng lahat ng pagsubok, manatili kaming nagkakaisa at matatag sa pagmamahal ng Diyos.☝️❤️🙏

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *